MANILA, Philippines - Ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 20 branches ng LBC bank sa buong bansa.
Ayon sa BSP, ipinasara ang LBC Development bank dahil sa natuklasang bangkarote na ito.
Ang nasabing bangko ay nasa ilalim na ngayon ng pangangasiwa ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Umaabot sa 321,000 ang depositors ng LBC bank na mayroong 20 branches sa buong bansa.
Aabisuhan na lamang ng PDIC ang mga depositors sa magiging kapalaran ng naturang bangko kung ito ay mabubuksan pang muli o magbabayad na lamang sa mga depositors na hindi lalampas sa P500,000 ang kanilang deposito na sakop ng insurance.