Job fair sa Caloocan dinumog
MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang ginanap na job fair na alay nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga residente na ginanap sa magkahiwalay na lugar.
Sa ulat na isinumite ni Dante Esteban, hepe ng Labor Industrial Relation Office-Public Employment and Services Office (LIRO-PESO) kay Mayor Recom at Councilor RJ, umabot sa 3,859 ang mga naging aplikante sa ginanap na job fair.
Unang ginanap ang job fair sa Caloocan City South noong August 24, 2011 habang noong September 1 ay nagsagawa rin ng parehas na proyekto sa North Caloocan.
Umabot sa 53 kumpanya ang sumali sa job fair bilang direct hiring habang 54 ang sumaling agencies at 17 ahensiya ang naghanap ng kanilang makukuhang trabahador sa ibang bansa.
Sa 3,859 na bilang ng mga nakidalo sa job fair ay umabot sa 182 ang agad na nagkaroon ng trabaho (hired on the spot) habang ang iba ay naghihintay na lamang na tawag mula sa kanilang inaplayang posisyon.
- Latest
- Trending