^

Bansa

901 overstaying OFWs sa Kuwait, Saudi nakauwi na

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 901 overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait at Saudi Arabia ang matagumpay na napaui sa bansa sa pakikipagtulungan at pagsusumikap ng   tanggapan ni Vice President at Presidential Adviser on OFW Concerns Jejomar Binay.

Sa tala ng Overseas Workers Welfare Administration, mula sa nasabing bilang ay 111 kababaihang OFWs ang napauwi mula Kuwait matapos ang matagal nang pagsisiksikan at pananatili sa POLO-OWWA Filipino Workers Resource Center.

May 790 OFWs na stranded sa Hajj Seaport Terminal sa Jeddah, Saudi Arabia ang napabalik na sa kani-kanilang tahanan matapos na ilunsad ang OVP mass repatriation project simula noong Hunyo 1-8, 2011.

Matapos na makipag-ugnayan si VP Binay sa Saudi authorities, may 125 OFWs na nakakulong sa Saudi dahil sa iba’t ibang kasong petty crimes ang nabigyan  ng amnestiya noong Abril. Kabilang sa mga nabigyan ng pardon ay ang isang OFW na nakulong bunsod ng drug case.

Ang pardon sa mga nakapiit na Pinoy ay bunsod umano sa pagsusumikap ni Binay na ipinadala ni Pa­ngulong Aquino sa Saudi noong Marso upang sagipin ang mga nagigipit na OFWs.

Umapela na rin si Binay kay Sheikh Sabah Al Ahmad Al Jaber Al Sabah, ang Emir ng Kuwait upang mabigyan ng full pardon ang may 13 OFWs na nakapiit sa Sulaibya Central Jail, at sa repatriation ng  92 distressed workers.

Nitong nagdaang buwan, umaabot sa  600 OFWS ang “eligible” o kuwalipikado para sa pardon na may kinakaharap na petty crimes sa Saudi Arabia.

BINAY

CONCERNS JEJOMAR BINAY

FILIPINO WORKERS RESOURCE CENTER

HAJJ SEAPORT TERMINAL

OFWS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PRESIDENTIAL ADVISER

SAUDI ARABIA

SHEIKH SABAH AL AHMAD AL JABER AL SABAH

SULAIBYA CENTRAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with