^

Bansa

Sa serye ng oil price hike, 1-M tsuper magwewelga!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang malakihang transport strike ang nakatakdang isagawa ng nasa 1 milyong tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa bansa para kondenahin ang serye ng oil price hike.

Sa ginawang unified meeting ng grupo ng iba’t ibang transport leaders sa Quezon City kahapon, nagkaisa ang lahat ng transport leaders (Bus, Taxi, Jeep, FX, Pedicab, AUV, Tricycle) sa isasagawang nationwide transport strike anumang araw ngayon buwan.

Una ng nagparamdam laban sa walang habas na pagtaas ng presyo ng gasolina ang militant transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) nang ibunyag ang umano’y overpricing ng petroleum pro­ducts partikular ang diesel at gasolina.

Sa kampo ng Liga ng Transportasyon Opereytor ng Pilipinas (LTOP), tuwirang tinuligsa nito ang napipintong full implementation ng 12 percent VAT sa tollways epektibo Oktubre 1, 2011.

“Bakit ang mga maliliit na negosyante at mga drivers ang pumasan ng mga ito kasama ang mga commuters,” pahayag ni Lando Marquez, pangulo ng LTOP.

Ayon kay Marquez at de Luna kasama rin sa binubuo nilang nationwide strike ang grupo ng Povincial Bus Operators Association of the Philippines, Philipine National Taxi Operators Association, Metro Manila Bus Operators Assciations, Central Luzon Transport Association, Southern Tagalog Transport Association, Mindanao Transport Group at ang Visayas Transport Association.

Binanggit ng mga ito na bukod sa oil hike gusto rin ng kanilang hanay na ipatupad na ng gobyerno ang single ticketing system at ibaba ang halaga ng multa sa mga minor traffic violations.

CENTRAL LUZON TRANSPORT ASSOCIATION

LANDO MARQUEZ

METRO MANILA BUS OPERATORS ASSCIATIONS

MINDANAO TRANSPORT GROUP

OPEREYTOR NATIONWIDE

PHILIPINE NATIONAL TAXI OPERATORS ASSOCIATION

POVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

TRANSPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with