PNoy kumikilos vs oil price hike

MANILA, Philippines - Inatasan na ni Pa­ngulong Aquino ang Department of Energy na imonitor ang galaw ng presyo ng krudo sa world market kasunod ng muling pagratsada ka­hapon ng panibagong pagtaas sa halaga ng pro­duktong petrolyo.

Sinasabing, kung batas lang ang pagbabatayan, walang kapangyarihan ang pamahalaan sa galaw ng presyo ng la­ngis. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, merkado talaga ang nagtatakda ng presyo.

Pero tiniyak ni Energy­ Secretary Rene Almendras na patuloy ding naghahanap ang pa­mahalaan ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya para hindi manatiling bihag sa fossil fuel at presyuhan sa pandaigdigang pamilihan ang bansa.

Kamakailan lang, nagtaas na ng presyo ang mga kumpanya ng langis. Sa mga susunod na araw, may banta pa ng karagdagang pagtaas, at dalawang beses daw sa isang linggo.

Sinabi rin ni Almendras na tuwing Linggo, kinukulit ng mga kritiko ang mga kumpanya ng langis na magpaliwanag kung paano nila hinu­hugot ang presyo ng kanilang produkto. Kung wala ang pamahalaan, magtataas pa rin naman sila ng presyo.

Magugunitang para pagaanin lalo ang araw-araw na pasanin ng mahihirap na mamamayan, ipinatupad ni Pangulong Aquino ang Pantawid Pamilya Program. Sa ila­lim ng CCT (Conditinal Cash Transfer), inaayudahan ang mamamayan na palakasin ang kapasidad nila. Sa ilalim ng CCT, binibigyan ng tulong pinansyal ang mga mahihirap para makapag-aral ang mga anak at makapamuhay nang maayos sa hinaharap.

Maging  ang mga walang tahanan na mga pulis at sundalo ay nabi­yayaan ng disenteng buhay ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglalaan ng sariling tahanan sa kanila. 

Show comments