PNoy, Shalani nagkita sa airport

DUMAGUETE CITY, Philippines —Aksidenteng nagkita sina Pangulong Aquino at dating kasintahan na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad sa airport ng lungsod na ito kahapon ng hapon.

Pasakay ng eropla­no pabalik ng Manila si Shalani sa airport ng Du­maguete habang si Pa­ngulong Aquino ay may meeting naman sa isang kwarto sa airport.

Nagkasalubong ang dating magkasintahan at nagkamustahan lamang saka sumakay ng presidential plane ang Pangulo habang si Soledad ay sumakay na rin ng PAL pauwing Manila.

Show comments