DOJ binawalan ng korte sa pagsasampa ng kaso vs GA
MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng writ of preliminary injunction ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 kung saan pinagbabawalan ang Department of Justice ng pagsasampa ng kasong estafa laban kay Globe Asiatique president Delfin Lee hangga’t hindi lumalabas ang resolution ng civil case na isinampa naman ng Home Development Mutual Fund (HDMF) sa Makati RTC Branch 58.
Gayundin, pinahihinto ng nasabing preliminary injunction ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa isa pang kaso ng estafa case laban kay Lee.
Ayon kay Pasig RTC Judge Rolando G. Mislang, pareho lamang ang estafa at civil case kung kaya’t kinakailangan na munang maresolba bago simulan ang isa pang estafa case. Ipinaliwanag ni Mislang sa kanyang kautusan na aalamin sa civil case ang “element of damage”.
Sinabi ni Mislang na kung naaprubahan ng HDMF ang loan at sinertipikahan na mga miyembro, nangangahulugan lamang na kinikilala nila ang pagiging lehitimo ng mga buyers. Giit pa ni Lee, kung tinanggap ng HDMF ang bayad ng GA, walang anumang danyos o estafa na dapat pag-usapan.
- Latest
- Trending