MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV na huwag nang dumaan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments ang mga low-ranking AFP officials.
Sinabi ni Sen. Trillanes, ito ay upang maiwasan na ang pulitika sa promosyon ng mga AFP officers.
Ayon kay Trillanes, sapat na ang liderato ng AFP at DND upang magdetermina kung nararapat bang bigyan ng promosyon ang isang opisyal na sundalo.
Sa concurrent resolution no. 9 na inihain ni Trillanes sa Senado ay hiniling nitong amyendahan ang Konstitusyon upang hayaan na lamang ang AFP at DND na magdetermina sa promosyon ng mga sundalo.