^

Bansa

P1.15-B plunder vs ex-DOTC chief

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong plunder ang mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communication sa ilalim ni da­ting DOTC Sec. Leandro Mendoza dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng P1.15 bilyong halaga ng marine at lighthouse equipment.

“The DOTC officials involved in the lighthouse scam including Mendoza could face possible plunder charges if proven there was an anomaly in the acquisition and if they have bene­fitted personally from the transaction,” pahayag ni Bayan Muna Party-list Rep. Teddy Casiño sa isang text message.

Nagsumite na ng reso­lusyon si Casino upang imbestigahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang paggamit ng pasong Special Allotment Release Orders (SARO) sa pagbili ng naturang mga kagamitan at mga nag-suplay nito.

Ayon kay Casiño, noong 2007 ang DOTC ay may badyet na P1.15 bilyon para sa pagbili ng Marine Environmental Protection Equipment (MEPE) at Aids To Navigation (ATON) spare parts ng mga lighthouse para sa Philippine Coast Guard (PCG) na kasama sa anim na SARO sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso 2007.

Binili ng DOTC sa ilalim ni Mendoza ang MEPE at ATON noong Dis. 23, 2009 sa halagang P319 milyon at ang nakakuha umano ng kontrata ay ang R.H. Lopez Trading at Berlyn Enterprises, na gumawa ng isang joint venture.

Idineliber ang mga naturang kagamitan noong Peb. 26, 2010 at ang supplier ay binayaran noong Abril 28, 2010.

Ngunit sa pag-aaral ng Commission on Audit (COA), lumabas na ang delivery ng MEPE ay hindi pa naitala sa rekord ng PCG dahil wala pang “transfer of accountability” mula sa DOTC.  

Bukod dito, sinabi ng COA na ang SARO na para sa PCG ay hindi ibinigay sa PCG kundi ginamit ng Office of the DOTC Secretary para sa pagbili ng naturang kagamitan pagtapos na maging paso ang release orders.

Ayon sa COA, kaila­ngan ding ipaliwanag ng DOTC kung bakit tumagal ng husto bago nito gamitin ang SARO na inisyu noong 2007 at kung bakit nagsagawa ito ng bidding matapos maging paso na ang SARO.

Sinabi ni Casino na ang transaksiyon ay kaduda-duda dahil hindi naman gumawa ang PCG, na siyang gagamit ng naturang kagamitan, ng anumang request para sa pagbili ng mga naturang kagamitan at hindi rin ito nakasali sa ginawang bidding at paglalagay ng “terms of reference”.

Sa paggamit ng pasong SARO, sinabi ni Casino na hindi lang ang MEPE ang binili kundi ang ATON na nagkakahalaga ng P240.5 milyon noong 2009.

Ayon kay Casiño, ang mga ATON spare part ay nakatambak sa DOTC stockroom at inaalikabok hanggang noong Marso 2011.

Nagtataka si Casiño kung bakit ini-award ng DOTC ang kontrata na nagkakahalaga ng P1.15 bilyon sa dalawa lamang na supplier maski na marami pang supplier ang maaa­ring mag-deliver ng MEPE at ATON sa mas mababang halaga.

Sinabi niya na ang mga transaksiyon ay maaaring lumabag sa Government Procurement Reform Law at General Appropriations Act.

AIDS TO NAVIGATION

AYON

BAYAN MUNA PARTY

BERLYN ENTERPRISES

CASI

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DOTC

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

GOOD GOVERNMENT AND PUBLIC ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with