^

Bansa

Punong itinanim ni Cory sa China may dalang suwerte

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nagdala umano ng suwerte ang punongkahoy na itinanim ni yumaong dating Pangulong Corazon Aquino sa Hongjian Village sa Zhangzhou, Fujian province sa China na personal na nakita kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III bago ito bumalik sa Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, itinanim ang nasabing puno ng dating pangulo noong 1988.

“Mag-a-attend po ang Pa­ngulo sa Philippine-Fujian Business conference at mamayang hapon (kahapon ng hapon)  po ay bibisita ang Pangulo sa Hongjian Village in Zhangzhou, Fujian province, at dito po iyong mabibisita po niya ang tree na itinamin po ng  da­ting Pangulong Corazon Aquino noong siya naman po ang bumisita dito sa probin­s­yang ito noong 1988,” sabi ni Valte.

Ayon sa ulat, maging ang Pangulo ay namangha kahapon sa  araucaria tree na sinasabing nahati ilang taon bago siya nahalal sa pagka-pangulo ng bansa.

Nagsanga umano sa dalawa ang punongkahoy at ipinahihiwatig ang pagkakahalal din ni P-Noy bilang Pangulo tulad ng kanyang ina.

Sinabi pa ni Valte na umaasa rin siyang ang sinasabing suwerte ay aabot hanggang sa Pilipinas.

ABIGAIL VALTE

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL

FUJIAN

HONGJIAN VILLAGE

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

PHILIPPINE-FUJIAN BUSINESS

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with