Jacob, bagong LTFRB Chair

MANILA, Philippines - Pormal nang nanumpa kahapon bilang bagong Chairman ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) si dating Camarines Sur Rep. Jaime Jacob kapalit ng nagbitiw na LTFRB Chair Nelson Laluces.

Si Atty. Jacob ay dati ring nanungkulan bilang Commissioner ng Presidential Anti-Graft Commission at dating Chairman ng  Philippine National Railways. Si Jacob ay rekomendado ni DOTC Sec Mar Roxas na agad na inayunan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Umaasa si Roxas na ang appointment ni Jacob ay magiging daan sa pagkakaroon ng reporma sa ahensiya at magbubukas ng pintuan para sa mas mahusay na serbisyo sa mga tao at ligtas na lansangan sa buong bansa gayundin ang usapin ng colorum vehicles.

Sinabi din ni Jacob na seryoso ang kanyang tanggapan na magkaroon ng ‘impounding facilities’ nationwide sa loob ng bakuran ng PNP sa buong bansa kasama ang Metro Manila.

Show comments