^

Bansa

Bacalzo handa ng magretiro

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakahanda ng magretiro si outgoing PNP Chief Director General Raul Bacalzo matapos ang mahigit 38 taong serbisyo publiko.

Sa darating na Set­yembre 9 ay isasalin na niya ang kapangyarihan sa susunod na PNP Chief na mapipisil ni Pangulong Aquino.

Sa Setyembre 15 pa ang ika-56 kaarawan ni Bacalzo­, ang compulsory age retirement sa PNP pero isasagawa ang turnover ceremony sa Camp Crame ng mas maaga.

Una nang naging ma­ugong ang pangalan ni Chief ng PNP Directorial Staff P/Deputy Director General Nicanor Bartolome bilang successor ni Bacalzo pero wala pang pormal na inaanunsyo ang Malacañang.

Si Bacalzo, tubong Batangas at isa ring abogado ay produkto ng Phi­lippine Military Academy (PMA) Class 1977.

Inihayag pa nito na matapos magretiro ay si­gu­radong mami-miss niya ang pagsusuot ng uniporme, pagdya-jogging, pag­gising ng maaga at pagpasok sa opisina.

vuukle comment

BACALZO

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

DEPUTY DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

DIRECTORIAL STAFF P

MILITARY ACADEMY

PANGULONG AQUINO

SA SETYEMBRE

SHY

SI BACALZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with