PNoy hinikayat maglatag ng programa sa Climate Change

MANILA, Philippines - Hinimok ni Aurora Representative Juan Edgardo Angara ang pamahalaan na maglatag ng pangmatagalang programa na layong maibsan o mapagaan ang epekto ng climate change sa mga mamamayan at sa kapaligiran.

Binanggit ng mambabatas na ang nararanasang mga pagbaha, matinding tagtuyot at ang pagdami ng mga bagyong dumadaan sa bansa na nagdulot ng malaking pinsala at pagkamatay ng maraming tao ay ilan lamang sa epekto ng climate change. Hindi rin aniya dapat balewalain ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa karbon.

Iginiit ni Angara ang seryosong pagkonsidera ng tinatawag na carbon sequestration o ang pagkuha at pag-iimbak ng karbon kasunod na rin ng dokumentong inilabas ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD).

“Plants, especially trees or forests, are effective natural means (by photosynthesis) of converting carbon dioxide into organic compounds, especially sugars, using sunlight. Healthy forests greatly help reduce greenhouse gas concentrations by absorbing carbon from the atmosphere through photosynthesis,” ani Angara, batay sa dokumento ng CPBRD.

Show comments