QCRTC inatasan ng SC na resolbahin agad ang Stradcom issue
MANILA, Philippines - Ipinauubaya na ng Korte Suprema sa Quezon City Regional Trial Court ang paglutas sa P1.2-B na halaga ng utang na hinahabol ng information technology firm na Stradcom Corporation sa pamahalaan.
Sa resolution, inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang mababang korte na i- raffle ang usapin sa alinmang korte na humahawak sa commercial law cases.
Sa kanilang petisyon, sinabi ng Stradcom, ang eksklusibong IT systems provider ng Land Transportation Office’s exclusive IT systems provider, na ang patuloy na hindi pagbabayad ng gobyerno sa kanilang koleksiyon ay magreresulta sa pagtigil nila sa operasyon na magiging dahilan ng pagbabalik ng LTO sa manual operation ng mga transaksiyon.
Naniniwala ang Stradom na tanging ang SC lamang ang may kapangyarihan na saklawin at desisyunan ang mga kontrata ng pamahalaan sa ilalim ng build-operate-transfer (BOT) law.
Matatandaang dumulog ang Stradcom sa Korte Suprema matapos na katigan ni Judge Edgar Dalmacio Santos ng Quezon City Regional Trial Court ang desisyon ni LTO chief Virginia Torres na ibalam ang pagbabayad sa Stradcom na ngayon ay umaabot na sa P1.2-B
Inatas din ng husgado na ilagak muna sa Land Bank of the Philippines ang naturang halaga at ilalabas lamang sa sandaling malutas na ang sigalot sa liderato ng Stradcom o sa pagitan nina Cesar Quiambao at negosyanteng si Bonifacio Sumbilla.
- Latest
- Trending