^

Bansa

AFP, PNP alerto sa pagtatapos ng Ramadan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Todo alerto ngayon ang tropa ng militar at pulisya na nagpatupad ng pagpapaigting ng seguridad partikular na sa Central Mindanao kaugnay ng selebrasyon ngayong araw ( Agosto 30)  ng Eid ‘l Fitr o ang pagtatapos ng isang buwang pagtitika sa Islamic Ramadan ng mga kapatid na Muslim.

Ito’y naglalayong masupil ang posibleng pana­nabotahe sa peace talks sa pagitan ng GRP at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng mga rogue elements nito na kinabibilangan ng tumiwalag at nagtayo ng sariling grupong si Comman­der Ameril Umbra Kato ng Bangsa Islamic Freedom Movement (BIFM).

Sinabi ni ARMM Police Regional Director P/Chief Supt. Bienvenido Latag, daang pulis ang kanilang idedeploy sa mga lugar na pagdarausan ng ‘congregational prayers’ ng mga Muslim.

Ayon kay Latag ang hakbang ay upang matiyak na hindi makapagsasagawa ng pananabotahe ang’ 3rd party’ mula sa pasaway na grupo ng mga rogue elements ng MILF habang idinaraos ang selebrasyon ng Eid’l Fitr.

“Security arrangements have been coordinated with the joint ceasefire committee of the government and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) to avoid unnecessary skirmishes,” ani Latag.

Inatasan na rin ni Latag ang mga unit ng pulisya nito na bantayang mabuti ang national highway sa autonomous region upang tiyakin ang proteksyon ng mga panatikong Muslim na magtutungo sa mga mosque.

Sa panig ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Prudencio Asto, nauna na ring nagpatupad ng pinalakas na checkpoint ang tropa ng kanilang mga sundalo na ipinosisyon rin ang mga Armored Personnel Carrier (APC) tank sa mga pangunahing highway lalo na sa Maguindanao.

Binigyang diin ng opis­­yal na bibigyang proteksyon nila ang mga makikiisa sa selebrasyon ng Eid’l Fitr at pinahihintulutan rin ang mga sun­dalong Muslim na magpartisipa sa okasyon.

Kaugnay nito, inaasahan namang dadagsain ng libu-libong mga Muslim ang 32 hektaryang ARMM compound  at iba pang lugar sa Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.   

vuukle comment

AMERIL UMBRA KATO

ARMORED PERSONNEL CARRIER

BANGSA ISLAMIC FREEDOM MOVEMENT

BIENVENIDO LATAG

CENTRAL MINDANAO

EID

FITR

LATAG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with