MANILA, Philippines - Inangalan ng transport group na Pasang Masda ang naibigay sa kanilang Pantawid Pasada Program card ng Department of Energy dahil wala naman umano itong laman.
Ayon kay Roberto Martin, national president ng Pasang Masda, 30 percent ng bilang ng kanyang grupo nationwide ay nakatanggap nga ng naturang card pero kung magpapakarga na ay hindi rin makakakuha ng discount sa pagpapakarga ng diesel dahil walang laman ang naturang card.
Binanggit din nito na 5,000 naman ng bilang ng mga driver na kasapi nila ay wala pa ring card.
Binigyang diin ni Martin na kung magkakaganito ang sistema sa implementasyon ng programa, magaling pa anya ay naipautang na lamang ang P 450 milyong pondo rito ng gobyerno sa transport sector para ipambili ng electronic jeepney na mas matipid kumpara sa isang ordinaryong jeep.
Kung electronic jeepney aniya ang gagamitin ng transport sector, malaki ang maiuuwing kita ng mga driver dahil mas mura ang paggamit ng kuryente kontra sa diesel at hindi pa nito naapektuhan ang kalikasan.