3 lugar signal no. 2 kay Mina

MANILA, Philippines - Nasa ilalim na ng signal number 2 ang Isa­bela, Cagayan at Northern Aurora habang signal number 1 ang nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Mt. Pro­vince, Kalinga, Apayao, Calayan, Babuyan at Ba­tanes Group of Islands dahil sa patuloy na banta ng bagyong Mina sa Northern Luzon.

Sa latest monitoring­ ng PAGASA, ganap na alas-5 ng hapon kaha­pon, si Mina ay nasa la­yong 260 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 170 kilometro bawat oras.

Ngayong Biyernes, si Mina ay inaasahang nasa layong 150 kilometro hilagang silangan ng Ca­s­i­­­­guran, Aurora at nasa 210 kilometro hilaga hilagang silangan ng Tuguegarao City o layong 110 kilometro ti­mog sila­ngan ng Basco, Batanes sa Sabado ng umaga.

Show comments