Water super body balak ni PNoy
MANILA, Philippines - Magtatayo ang gobyerno ng isang water super body na siyang tututok kaugnay sa mga problema ng tubig sa buong sa bansa.
Ayon kay Pangulong Aquino sa ambush interview kahapon matapos niyang bisitahin ang bagong sasakyang pandagat ng Philippine Navy (PN) na BRP Gregorio del Pilar sa Pier 15, nabuo ang panukalang ito sa ginanap na economic cluster meeting.
Sinabi ng Pangulo, dapat ay magkaroon ng isang super body na siyang mangangasiwa sa lahat ng suliranin sa tubig sa buong bansa kaysa sa pagkakaroon ng mga local water districts.
Binisita ni Aquino ang bagong BRP Gregorio del Pilar na mula sa Estados Unidos. Ito ay dating gamit ng US Coast Guard na Hamilton glass cutter at grant ng US pero nagbayad ang Pilipinas ng P450 milyon para sa transfer cost at P120-M naman bilang advance payment para sa 2 taong maintenance nito.
- Latest
- Trending