^

Bansa

Smugglers sa Customs pumoporma na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nagtatalunan sa tuwa ang mga bigtime smuggler dahil uupo na daw ang kanilang ‘padrino;’ bilang kapalit ng sisibaking si Customs Commissioner Lito Alvarez.

Ayon sa impormante, ang sinasabing grupo ni Frank Wong ay bumabandera na sa pantalan para sabihin umano na ‘bata’ sila ni dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na napapabalitang papalit kay Alvarez anumang oras mula ngayon.

Ang sinasabing grupo ni Frank Wong, George Tan, Engineer Rico at isang Kimberly Gamboa ang sin­dikato ng ‘patalon’ sa Aduana.

Ang patalon system, ay mahigpit na pinagbabawal sa tariff and customs code of the Philippines na mali­mit gawin at kinukunsinti ng mga bugok sa bureau kapalit ng malaking halaga ng salapi. Kalimitan ang ‘patalon’ ay misdeclared shipment.

Ang “patalon” ay ginagawa ng mga sindikato sa pamamagitan ng pagpapasok ng kargamento o ang pag-file ng import entry sa isang custom section na hindi nararapat sa division na iyon.

Ang grupo ni Frank Wong et al, ay ang mga name droppers sa pantalan na kalimitagn ginagamit ang pangalan ni Executive Secretary Jojo Ochoa, para takutin ang mga taga-bureau para makalibre o kung hindi naman ay kaunti lang ang bayarang buwis.

ALVAREZ

AYON

CUSTOMS COMMISSIONER LITO ALVAREZ

ENGINEER RICO

EXECUTIVE SECRETARY JOJO OCHOA

FRANK WONG

GEORGE TAN

KIMBERLY GAMBOA

MUNTINLUPA REP

RUFFY BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with