^

Bansa

Mike A dawit sa plot vs PNoy

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na sangkot si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa pamamagitan ng pagpopondo sa isang “security force” upang magsa­gawa ng destabilization plot laban sa administrasyon ni Pangulong NoynoyAquino.

Ayon sa isang senior intelligence official na tumangging magpabanggit ng pangalan, kabilang sa mga plot ay ang  tensiyon sa Min­danao sa pamamagitan ng mga sunud-sunod na pambobomba.

Matatandaang isang pagsabog ang na­ganap sa Tacurong, Sul­tan Kudarat noong nakaraang linggo na ikinasawi ng isang board member.

“We have been re­ceiving reports that Mr. Arroyo has been meeting with some key personalities in the pre­vious administration,” giit ng opisyal.

Kasalukuyang bineberipika rin ng militar ang ulat na sina dating Defense Chief Norberto Gonzales at Linda Montayre ay nagsasagawa ngayon ng pagpupulong sa No. 1356 Dasmariñas Village, Makati.

Nabatid na ang security force  ay kinabibilangan ng ilang retired military generals at target ngayon ng monito­ ring ng administrasyon dahil sa pagiging kaal­yado ng Arroyo administration.

“The force’s focus is to sow chaos in volatile Mindanao and then orchestrate their moves in Metro Manila,” dagdag pa ng intelligence officer.

Ang destabilization plot ay katulad ng  “Oplan August Moon,” na binuo ng mga military officials na galit sa Arroyo admi­nistration.

Nais ng grupo na gumawa ng gulo at kalituhan sa pamamagitan ng pambobomba, assasinations ng ilang government officials at miyembro ng media kung saan ituturo ang New People’s Army at Abu Sayyaf Group na responsable.

ABU SAYYAF GROUP

DEFENSE CHIEF NORBERTO GONZALES

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

LINDA MONTAYRE

METRO MANILA

MR. ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with