^

Bansa

Joker dinedma ng Palasyo

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Mistulang binalewala lamang ng Malacanang ang panawagan ni Senator Joker Arroyo na dapat ng tanggalin si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa watchlist ng Bureau of Immigration.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, maliwanag naman ang sinabi ng doktor ni Arroyo na si Dr. Juliet Cervantes na hindi na nito kailangan pang lumabas ng bansa upang magpagamot.

Ayon kay Valte, doktor na mismo ng dating pangulo ang nagpalabas ng medical bulletin kaya walang dahilan upang patulan pa ang isyu na paglalagay kay Arroyo sa watchlist.

Hindi naman umano kritikal ang kondisyon ni Arroyo kaya wala itong dahilan upang magpagamot pa sa ibang bansa.

Nauna rito, ipinaalala ni Sen. Arroyo ang mga pinagdaanan ni dating senator Ninoy Aquino na pinayagan ni dating pangulong Ferdinand Marcos na magpagamot sa Amerika ng magkaroon ito ng sakit sa puso.

ABIGAIL VALTE

AMERIKA

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DR. JULIET CERVANTES

FERDINAND MARCOS

GLORIA ARROYO

NINOY AQUINO

PAMPANGA REP

SENATOR JOKER ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with