^

Bansa

Sibuyas kontra dengue

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nakahanap ng pag-asa ang Department of Health (DOH) ng pangontra laban sa dengue matapos umanong madiskubre ng Bureau of Customs na maaaring gamitin ang sibuyas bilang pantaboy sa mga lamok.

Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Horacio Suansing Jr., na may nakapagsabi sa kanila na maaaring gamitin ang sibuyas bilang pangontra sa lamok.

Bunsod nito kaya nagpahayag ng kahandaan ang BoC na ipagkaloob sa DOH ang tone-toneladang sibuyas na nasa kanilang kostudiya upang magamit sa mga lugar na mataas ang bilang ng kaso ng dengue gayundin sa mga lugar na pinamamahayan ng lamok.

Kinakailangan lamang aniyang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang DOH para sa tamang disposisyon ng mga nasabat na smuggled onions.

Napag-alaman na ilang lugar sa bansa ay matagal nang gumagamit  ng sibuyas bilang pan­taboy sa mga lamok upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng nabanggit na insekto.

Samantala, 50 tonelada ng smuggled na sibuyas na galing China ang pinigil ng Customs.

Ayon kay Suansing, sakay ng tatlong 40-footer container ang mga sibuyas na nagkakahalaga ng P2.5 milyon at ipinasok sa bansa ng Interwide Trading and Air Fleet Alliance Incorpora­ted na walang kaukulang permit.

Idineklara itong pickles pero hindi nakalusot sa BOC Enforcement Group at Operations and Intelligence Office kaya kinumpiska.

vuukle comment

AYON

BUNSOD

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER HORACIO SUANSING JR.

DEPARTMENT OF HEALTH

ENFORCEMENT GROUP

IDINEKLARA

INTERWIDE TRADING AND AIR FLEET ALLIANCE INCORPORA

OPERATIONS AND INTELLIGENCE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with