Malaysia naghigpit sa foreigners
MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghigpit ang pamahalaang Malaysia sa mga dayuhan kabilang na ang mga Pinoy na pumapasok sa kanilang bansa.
Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa DFA, lahat ng mga dayuhang bumibisita sa Malaysia ay kailangan sumailalim sa “biometric finger print registration” mula sa ipinatutupad na National Enforcement and Registration System (NERS) ng Malaysia na sinimulang ipinatupad noong Hunyo 1.
Sa nasabing hakbang, lahat ng foreigners na papasok sa Malaysia na dadaan sa checkpoints ay kailangan ilagay o ipatong ang dalawang index finger sa glass plates ng electronic fingerprint scanning machines at immigration counters.
“Biometric data of travelers will be captured, will be kept in the Department of Immigration’s database and will be used for verification process upon exiting the country,” ayon sa DFA.
Sa bagong sistema, lahat ng foreign nationals na nagkaka-edad ng 12 pataas ay kinakailangang magpasailalim sa biometric procedure kasunod nang pag-amyenda ng Immigration Law and Regulations ng Malaysia na naglalayong suportahan at ipatupad ang bagong ‘biometric registration requirement’ sa kanilang mga entry points.
- Latest
- Trending