10 opisyal ng CCP, Mideo Cruz kinasuhan na sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo ng Kapatiran Political Party-Alliance for the Common Good ang 10 opisyal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) kasama ang kontrobersiyal na si Mideo Cruz sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng ginawang pagpayag ng mga itong makapag-exhibit sa artwork na huli na tinaguriang “Kulo”.
Kinasuhan ng naturang grupo sa pangunguna ni Manuel Dayrit ang mga opisyal ng CCP na sina Emily Abrera, Raul Sunico, Florangel Rosario-Braid, Jaime Laya, Isabel Caro Wilson, Zenaida Tantoco, Cristina Turalba, Antonio Yap, Carolyn Espiritu, Karen Ocampo-Flores at ang artist na si Cruz.
Malaking insulto umano ang nagawa sa relihiyon ng “Kulo” at dapat managot ang mga ito sa taumbayan.
Binigyang diin din ng grupo na lumabag sa article 201 ng Revised Penal code at RA 6713 ang mga opisyal ng CCP dahil sa naturang exhibit na nagpapakita ng paglabag sa batas, sa morale at good customs ng sambayanang Pilipino.
- Latest
- Trending