Kanselasyon sa lisensiya ng PAMI, binawi
MANILA, Philippines - Ibinasura na ng Insurance Commission ang “cancellation order” o pagkansela sa lisensya laban sa Passengers Accident Management and Insu rance Agency Inc. (PAMI) kasama ang UCPB General Insurance Company Inc. bilang principal insurance company sa bansa.
Sa kanyang sulat kay Eduardo Atayde, chairman at pangulo ng PAMI, sinabi ni Insurance Commissioner Emmanuel Dooc na ikunsidera nila sa kanilang desisyon ang pagsusumite ng UCPB ng mga certification noong Abril 29 at Mayo 26 na nagsasabi na walang nilabag ang PAMI sa kanilang mga gastos noong 2009.
“Considering the issuance of the above mention certifications and the approval of the allowance “marketing expense” by UCPB Gen and/or insurance companies belonging to the PAMI group we are lifting the cancellation order on the license of PAMI with UCPB Gen as principal insurer,” saad sa sulat.
Nakasaad sa certification na ang kinukwestyong gastos sa 2009 Financial Statements ng PAMI ay pawang awtorisado at aprubado ng member companies.
- Latest
- Trending