^

Bansa

'Hostage' sa patay, bawal na!

-

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na ang pag-hostage ng ospital, morgue at punerarya sa mga bangkay dahil sa hindi makabayad ang kanilang mga kaanak.

Ito ay sa sandaling maipasa ang House Bill No. 5035 o “Anti-Detention of Cadaver Act of 2011 na inihain ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nagbabawal na ng pangho-hostage ng bangkay dahil hindi makabayad ng hospital o medical bills at funeral services.

Magiging labag din sa batas sa sinuman na ipagbawal o ibinbin ang pagpapalabas ng Death Certificate ng namatay dahil hindi nakabayad ng buo o may natitirang utang.

Mababalewala rin umano ang anumang kasunduan o kontrata na ginawa na pumapayag na ma-hostage ang bangkay o mabitin ang pagbibigay ng death certificate. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

ANTI-DETENTION OF CADAVER ACT

BEN EVARDONE

BUTCH QUEJADA

DEATH CERTIFICATE

EASTERN SAMAR

GEMMA GARCIA

HOUSE BILL NO

IPAGBABAWAL

MABABALEWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with