^

Bansa

2nd operation kay GMA, bigo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Bigo ang ikalawang operasyon kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na matuklasan ng mga espesyalista ng St. Luke’s Medical Center na may impeksyon ang naunang operasyon nito sa kanyang “cervical spine”.

Kinumpirma ni dating unang ginoo Atty. Mike Arroyo na hindi natapos ang “emergency surgical operation” dahil sa mas matinding panganib sa buhay ng pasyente kung itutuloy ito.

Kinakailangan pa uma­no na magpahinga ng hanggang tatlong linggo upang makabawi ang katawan bago isagawa ang ikatlong ope­rasyon na magtatama sa problema nito sa gu­lugod.

Isinailalim kahapon dakong alas-8 ng umaga sa operasyon ang da­ting Pangulo makaraang madiskubre na nawala sa porma ang ikinabit na “titanium implant” sa gulugod sa may leeg nito.

Ito’y makaraang irek­lamo ni Mrs. Arroyo nitong nakaraang Martes sa kanyang check-up ang pananakit at panghihina ng kapwa niya mga braso na direktang nakakonekta sa apektadong “cervical spine”.

Sa naturang “emergency reconstructive surgery, sinabi ni Dr. Juliet Cervantes na aalamin kung papalitan ang ikinabit na “titanium implant” o malalaman kung marupok na ang buto sa gulugod ng dating Pangulo na sanhi ng pagkawala sa puwesto ng implant.

Sinasabing mas delikado umano ang ikalawang operasyon na kung hindi naman maisasagawa ay maaaring magpalala sa kundisyon ni Mrs. Arroyo at magresulta sa mga kumplikasyon sa kanyang “nerves” na kumokontrol sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

BIGO

DR. JULIET CERVANTES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MEDICAL CENTER

MIKE ARROYO

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

PANGULO

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with