^

Bansa

Mike A nasa watchlist!

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinasailalim na ni Jus­tice Secretary Leila de Lima sa watchlist ng Bureau of Immigration ((BI) si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo.

Ang desisyon ni de Lima ay bunsod na rin ng kahilingan ng Senate blue ribbon committee na ilagay sa mahigpit na pagbabantay ng immigration si Arroyo dahil sa pagkakadawit nito sa maano­malyang bentahan ng helicopters sa Philippine National Police (PNP) no­ong 2009.

Sakop din ng nasa­bing order si Rowena del Rosario, accountant ni Arroyo na sinasabing nag-isyu ng maintenance payments para sa mga choppers.

Samantala, babalik na rin umano sa bansa sa Lunes ng susunod na linggo si Arroyo, kasunod ng pagpapasailalim nito sa medical check-up sa Hong Kong.

Mismong ang dating unang ginoo ang nagkumpirma kaugnay sa petsa ng kaniyang pag-uwi ng bansa.

Una na ring inihayag ng abogado nitong si Atty. Innocencio Ferrer Jr. na ngayong araw inaasahan na matatapos na ang medical treatment sa kaniyang kliyente at kapag nabigyan na umano ito ng clearance ay agad din aniya itong babalik ng bansa.

Sa pagdinig ng Senado, tinukoy ng isang negosyante si Arroyo na umano’y dating may-ari ng naturang mga choppers na binili ng PNP sa halagang brand new. 

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL

HONG KONG

INNOCENCIO FERRER JR.

IPINASAILALIM

MISMONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROWENA

SECRETARY LEILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with