Valenzuela, DepEd lumagda sa counterparting program
MANILA, Philippines - Lumagda kahapon sa isang kasunduan na maglalagak ng kabuuang P103,834,392.38 para sa konstruksyon ng 68 na silid-aralan sa Valenzuela City sina Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian at Department of Education Secretary Armin Luistro.
Sa ilalim ng MOA, ang financing agreement ay magiging 50-50 counterparting scheme kung saan ang inisyal na 50% ng building cost ay manggagaling sa Local Government Unit (LGU) habang ang natitirang 50% ay tutustusan ng DepEd Schools Division Superintendent.
Ang nilagdaang kasunduan ay may kaugnayan sa pagbuo ng 3-palapag, 18-silid-aralan na gusali sa Pio Valenzuela Elementary School at 4-storey, 50-classroom building sa Dalandanan National High School kung saan ang magiging parte ng lungsod ay 53,834,392.38 o sakop ng 34 classrooms.
Sa datos ng DepEd, may kakapusan sa silid-aralan sa Valenzuela na umaabot sa 1,084 para sa school yer 2010-2011.
Ang 68 classroom na itatayo sa pamamagitan ng counterparting program kasama ang 53 classrooms na nasa ilalim naman ng 2011 Basic Education Facilities Fund ng DepEd ay makapagpapababa ng 11.16%, o katumbas na lamang ng 963 classrooms shortage.
Ang Counterparting Program ay nilagdaan ng DepEd, Department of Budget and Management (DBM) at League of Cities of the Philippines (LCP) noong Enero 8, 2011 para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na silid-aralan sa mga batang Pilipinong mag-aaral sa buong bansa.
- Latest
- Trending