Bibili ng motorsiklo dapat mag-training muna
MANILA, Philippines - Dapat sumailalim muna sa motorcycle safety training ang mga bibili ng motorsiklo upang mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng motorsiklo.
Sa House Bill 4877 na inihain ni Zamboaga del Norte Rep. Seth Frederick Jalosjos, gagawing mandatory para sa mga motorcyle dealers na magsagawa ng basic motorcycle safety training sa mga end buyers o kanilang representatives bago ipalabas ang biniling motor.
Sa pag-aaral na ginawa ng MMDA-Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMRAS) noong 2009, sinabi ni Jalosjos na ang motorsiklo ang may pinakamataas na rate para sa fatal and non-fatal incidents kumpara sa iba pang sasakyan.
Nais ng mambabatas na maengganyo ang pagtulong ng pribadong sector, lalo na ang mga motorcycle dealers sa responsibilidad na masigurong ligtas ang kanilang mga buyers sa pamamamagitan nang pagbibigay ng basic motorcycle safety on roads and highways at traffic safety management.
Obligado din ang mga buyers na dumalo sa training at isang certificate of attendance ang ibibigay sa kanila pagkatapos bukod pa dito maglalaan din ang dea;er ng record book of training kung saan nalista dito ang pangalan ng mga buyers.
- Latest
- Trending