^

Bansa

Total ban sa plastic bags sa buong bansa hirit

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - 

Ayon kay Legarda, kabilang sa mga dahilan ng ma­tinding pagbaha lalo na sa Metro Manila ang mga baradong estero at kanal da­hil sa mga basurang plastic na hindi basta-basta natutunaw.

Base umano sa pag-aaral na isinagawa ng United States Environmental Protection Agency kaugnay sa hindi tamang paggamit ng mga plastic bags, nasa 500 bil­yon hanggang one trilyong plastic bags ang nagagamit bawat taon.

Ayon naman sa ulat ng World Wildlife Fund umaabot sa 200 iba’t ibang marine species ang namamatay dahil sa ‘ingestion’ at ‘choking’ sanhi ng plastic bags.

Sinabi ni Legarda na ang naranasang matin­ding pagbaha ay patunay na masama ang epektong idinudulot ng mga plastic bags sa kalikasan.

Sa Senate Bill  2759, o Total Plastic Bag Ban Act of 2011 na inihain ni Legarda, ipagbabawal ang paggamit ng mga non-biodegradable plastic bags sa mga groceries, supermarkets, public markets, restaurants, fast food chains, department stores, retail stores at iba pang kahalintulad na establisimiyento.

AYON

LEGARDA

METRO MANILA

PLASTIC

SA SENATE BILL

TOTAL PLASTIC BAG BAN ACT

UNITED STATES ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY

WORLD WILDLIFE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with