^

Bansa

Garci nasa watch list

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipinalabas kahapon ng Department of Justice ang isang watch list order laban kay dating Commission on Elections Commissioner Virgilio Garcillano.

Sinabi ni DOJ Secretary Leila de Lima na isinagawa nila ang naturang hakbang bilang paghahanda sa im­bestigasyon ng DOJ at ng Commission on Elections sa umano’y dayaan sa halalan noong 2004.

Mangangahulugan ito na hindi makakaalis ng bansa si Garcillano kung walang permiso ng pamahalaan. Maaari ring tanggihan ng pamahalaan ang kanyang pagbibiyahe kahit pa pinangatwiranan niya ang pangangailangan dito.

Ipinahiwatig din ni de Lima na usapin ng pambansang interes ang isyu sa dayaan sa halalan noong 2004 kaya dapat ipalabas ang WLO.

Nasangkot si Garcillano sa “Hello Garci” scandal na hinggil sa nairekord na pag-uusap nila sa telepono ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELECTIONS COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

GARCILLANO

HELLO GARCI

IPINAHIWATIG

IPINALABAS

MAAARI

MANGANGAHULUGAN

PANGULONG GLORIA ARROYO

SECRETARY LEILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with