^

Bansa

Direktang ebidensiya kailangan para madiin si GMA sa ER switching

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ng political analyst na si Ramon Casiple na mabigat na trabaho pa ang gagawin ng gobyerno para maidiin si dating Pangulong Gloria Arroyo sa election return switching.

Ayon kay Casiple, convenor ng Institute for Political and  Electoral Reforms (IPER), kapag nagsampa ng kaso kaugnay ng ER switching ay kailangang kumayod ang prosecution para humanap ng ebidensiya na direktang magkokonekta kay Mrs. Arroyo sa operasyong ito.

Sa ngayon, hindi pa anya nababanggit ng mga involved na pulis kasama si Sr. Supt. Rafael Santia­go kung nagkaroon ng di­rektang papel si GMA sa ER switching bagkus ay sina dating PNP Chief at Zambales Gov. Hermogenes Ebdane pa lamang ang naidadawit nito pati si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Hindi anya porke’t kay GMA umano naging pabor ang sinasabing ER switching ay maaari na itong ma­diin bilang principal sa kaso.

Gayunman, ikinatuwa ng IPER ang paglutang muli ng isyung ito nga­yong bukas na ang tanggapan ng pamahalaan para sa malawakang imbestigasyon, hindi tulad ng dati na nahaharang ito dahil kontrol ni GMA ang makinarya ng gobyerno.

vuukle comment

AYON

ELECTORAL REFORMS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HERMOGENES EBDANE

MRS. ARROYO

PANGULONG GLORIA ARROYO

RAFAEL SANTIA

RAMON CASIPLE

SR. SUPT

ZAMBALES GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with