P17-M pananim nawasak sa Bicol
MANILA, Philippines - Umabot sa P17 milyong halaga ng mga pananim ang winasak ni Juaning nang salantain ang Bicol region.
Sa inisyal na assessment ng Department of Agriculture, sinabi ni DA undersecretary Salvador Salacup, ang naturang halaga ay mula sa Region 5 pa lamang at hindi pa kasama ang ibang lugar na hinagupit ng bagyo.
Sa kabuuang halaga, P10 milyon ang nasirang palayan sa Bicol, P 6.1 milyon sa high value crop gaya ng gulay at P220,000 halaga ng mais.
Ang mga lugar ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte ang nakapagtala ng may pinakamataas na pinsala ng naturang bagyo.
Binigyang diin ni Salacup na bagamat napinsala ng bagyo ang mga pataniman sa Bicol, madali naman ang mga itong makaka-recover dahil nagsisimula pa lamang ang mga magsasaka doon na magtanim sa ngayon.
- Latest
- Trending