4 na lalawigan, signal number 1 sa Bagyong Juaning

MANILA, Philippines - Ganap nang isang bagyo ang isang sama ng panahon at ito ay tinawag na Bagyong Juaning.

Bandang alas-5:30 ng hapon kahapon, si Juaning ay namataan ng PAgAsa sa layong 250 kilometro silangan ng Virac Catanduanes  taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa lalawigan ng Catanduanes

Sorsogon, Albay at Camarines Provinces. Si Juaning ay kumilos pa hilagang kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes, si Juaning ay inaasahang nasa layong 140 kilometro ng silangan ng  Casiguran, Aurora at nasa 120 kilometro hilaga hilagang kanluran ng  Laoag City at sa Huwebes ng hapon si Juaning ay inaasahang nasa layong 490 kilometro hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Bunsod nito, pinapayuhan ng PagAsa ang mga residenteng nakatira sa nabangit na mga lugar na maging handa at listo upang makaiwas sa anumang epektong idudulot ng bagyong Jua­ning.    

Show comments