^

Bansa

Desisyon sa dayaan sa election ilalabas na

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Ilalabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon kung iimbestigahan ba o hindi ang alegasyon ng dayaan sa halalan sa Maguindanao noong taong 2007.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, posibleng sa Lunes o Martes ay makapaglabas na ng desisyon ang Comelec en banc hinggil sa alegasyon ni dating Maguindanao election supervisor Atty. Lintang Bedol, na nagkaroon nga ng dayaan sa senatorial race na idinaos sa nasabing taon.

Nakikipag-ugnayan na rin umano at nakikipag-usap ang mga abogado ng Comelec lawyers kay Bedol, na kasalukuyan nang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Una nang sumuko si Bedol noong Martes at nagsumite ng affidavit hinggil sa iregularidad na naganap noong 2004 at 2007 elections.

Hinihintay na rin umano nila kung talagang lulutang na rin si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, kasunod ng pahayag ng Palasyo ng Malacanang na nagpadala na ito ng “feelers” na nagpapahayag ng kahandaan nitong lumutang at ibunyag ang mga nalalaman sa dayaan sa halalan.

Dagdag pa ng Comelec official, umaasa silang lulutang na si Garcillano dahil isa aniya ito sa mga taong nasa tamang posisyon upang magbigay ng impormasyon kung totoo ba o hindi ang dayaan dahil naging aktibo ito bilang commissioner ng poll body.

AYON

BEDOL

CAMP CRAME

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

CUSTODIAL CENTER

DAGDAG

JAMES JIMENEZ

LINTANG BEDOL

MAGUINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with