Mga santo binastos sa exhibit
Manila, Philippines - Pinaboboykot ng isang Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang exhibit ng umano’y pambabastos sa mga santo sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee chairman at Caloocan Bishops Deogracias Iñiguez, hindi dapat pang payagan ang libreng pagpapalabas ng exhibit ni Mideo Cruz na pinamagatang ‘Kulo’ na nagsimula noong Hunyo 17 at tatagal hanggang Agosto 21.
Sinabi ni Iniguez na lantarang pambabastos sa mga Katoliko ang ginagawa ni Cruz dahil ang mga Filipino ay mga relihiyoso. Inihalimbawa ni Iniguez ang pulang condom na nakasabit sa isang krus.
Giit pa ni Iniguez, dapat na maging sensitibo at magalang si Cruz sa mararamdaman ng iba. Dapat umano nitong respetuhin ang relihiyon ng ibang tao.
Kaugnay nito, itinuturing naman ni dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na isang “sick” exhibit ito.
Aniya, wala sa katinuan ang mga gumagawa ng tulad nito.
Naniniwala ang Obispo na ginagawa lamang ni Mideo ang exhibit na tulad nito upang makakuha ng atensiyon ng publiko.
Dismayado din ang Obispo sa pagpi-feature ng isang television station ng exhibit ni Mideo.
- Latest
- Trending