^

Bansa

RH bill tiyak na

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang  isang obispo na sarado na ang usapin sa pagitan ng Malakanyang at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Espicopal Commission on Bioethics ng CBCP, naka-set na ang isipan ni Pangulong Aquino sa pagsusulong ng RH bill kaya naniniwala itong wala nang pag-asa pang matuloy ang anumang dyalogo.

Anang Obispo, tala­gang pabor ang Pangulo sa RH bill at very combative siya sa pagsusulong upang maisabatas ang RH bill.

Sa kabila nito, tiniyak ni Oliveros na sa panig ng Simbahang Katoliko ay hindi magbabago ang pagtuturo nila kung ano ang katotohanan. Aniya, marami pa rin ang hindi nakakaintindi ng tunay na epekto nito kaya idadaan na lamang nila sa pagdarasal at panalangin na sana ay mabigyan ng linaw ang isipan ng mga nagsusulong ng RH bill.

ANANG OBISPO

ANIYA

AYON

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

ESPICOPAL COMMISSION

MALAKANYANG

MALOLOS BISHOP JOSE OLIVEROS

PANGULONG AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with