^

Bansa

Garci nagparamdam na

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Malacañang na nagpadala na ng ‘feelers’ si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano­ sa political adviser ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagpahatid ng feelers si Garcillano kay Presidential Political Adviser Ronald Llamas ng kahandaan nitong ibunyag ang tunay na nalalaman nito kaugnay ng naganap na dayaan noong 2004 polls.

Ayon kay Lacierda, kahit nagpahiwatig ng kagustuhan si Garcillano na ibunyag ang kanyang nalalaman ay kailangang timbangin pa rin at pag-aralan ang kanyang magiging testimonya.

Unang lumutang si dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol at sinundan ito ng pagbu­bun­yag ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na nagkaroon talaga ng dayaan noong 2004 at 2007 polls.

Ayon pa kay Lacierda, hindi orchestrated ang pag­labas ng mga witness na ito na nataon lamang ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

vuukle comment

AYON

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

GARCILLANO

LACIERDA

LINTANG BEDOL

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER RONALD LLAMAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

STATE OF THE NATION ADDRESS

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with