Caloocan top performer vs tigdas

MANILA, Philippines - Nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang top performer sa buong National Capital Region (NCR) dahil sa pinaigting na kampanya sa “Ligtas Tigdas Campaign” na ipinagkaloob ng Department of Health.

Dahil dito, nagpasa­lamat si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga masisipag na barangay at health workers na walang sawang nagbi­bigay ng serbisyo sa 188 barangays na nasasa­ kupan ng lungsod.

Ayon kay Echiverri, hindi makakamtan ng kan­ yang pinamamahalaang lungsod ang panibagong karangalang ito kung hindi dahil sa tulong ng masisipag na kawani ng city health department at ng mga health volunteers sa bawat barangay.

Mas lalo pang pinaig­ting ng lokal na pa­ma­halaan ang kampanya la­ban sa tigdas na kadalasang nakakara­nas ay ang kabataang re­sidente lalo na’t walang bakuna ang mga ito laban sa naturang karamdaman.

Show comments