^

Bansa

Plea bargain deal kay Z. Ampatuan ok sa DOJ

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bukas ang government prosecution team na pag-aralan ang posibilidad na pumasok sa isang plea bargain deal si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan, isa sa mga pangunahing suspect sa tinaguriang Maguindanao massacre.

Ito ang naging pag-amin ni Justice Undersec­retary Francisco Baraan III, matapos ang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na malabong maging state witness si Zaldy.

Ayon kay Baraan, ma­aari umano nilang ikon­sidera ang opsyon na mag-plea ito sa mas mababang kaso kapalit ng pagdiin sa iba pang pangunahing sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Pero bago ito, iginiit ni Baraan na kailangan munang mabasahan ng sakdal si Zaldy, bago magkaroon ng plea bargain deal.

Bukod kay Zaldy, kabilang pa sa mga primary accused sa kaso ay ang ama nito na si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., at kapatid na si dating Datu Unsay Mayor Andal, Jr.

ANDAL AMPATUAN

AUTONOMOUS REGION

BARAAN

DATU UNSAY MAYOR ANDAL

FRANCISCO BARAAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

JUSTICE UNDERSEC

MAGUINDANAO GOV

MUSLIM MINDANAO

ZALDY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with