^

Bansa

'Pag napatunayang nanalo sa 2004 pres'l elections, 'Litrato ni FPJ ilagay din sa Malacañang'

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Francis Escudero na ka­pag napatunayan sa isasagawang imbestigasyon na nagkaroon ng dayaan sa 2004 elections at lumitaw na si yumaong action star Fernando Poe Jr. ang nanalo at hindi si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay da­pat ilagay ang larawan ni FPJ sa Heroes hall ng Malacañang.

Ginawa ni Sen. Escu­dero ang suhestiyon kahapon dahil ang lahat ng naging pangulo ng bansa ay naka-display sa Heroes hall ng Palasyo.

“Kung mapapatuna­yang siya (FPJ) ang nanalo kahit ang simpleng symbolic act na lamang ng paglalagay ng kanyang portratit sa heroes hall ng Malacañang kung saan nakalagay ang litrato ng mga nanalo at naging presidente ng bansa,” wika pa ni Escudero kahapon.

Aminado naman ang mambabatas na kahit anong imbestigasyon ang gawin ay hindi na nito mababalewala ang naging termino ni GMA noong 2004 hanggang 2010.

Hindi na rin anya maaalis ang larawan ni GMA sa Palasyo dahil nagsilbi naman itong pa­ngulo mula 2001 hanggang 2004 ng mapatalsik si dating Pa­ngulong Estrada.

Nasawi si FPJ noong Disyembre 2004 ilang buwan matapos ang May 2004 polls kung saan ay sinasabing nadaya ito.

Muling lumutang ang isyu ng dayaan sa 2004 polls sa pagbubunyag ni dating election supervisor Lintang Bedol ng Maguindanao.

AMINADO

DISYEMBRE

ESCU

FERNANDO POE JR.

FRANCIS ESCUDERO

GINAWA

LINTANG BEDOL

MALACA

PALASYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with