MANILA, Philippines - Bukas ang Department of Justice (DOJ) na ilagay sa Witness Protection Program (WPP) si dating Maguindanao provincial election supervisor Lintang Bedol matapos ang naging pahayag nito na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan noong 2004 at 2007 pabor sa mga kandidato ng administrasyon.
Sa kabila nito, sinabi ni de Lima na walang namang pormal na pag-uusap mula sa DOJ at sa kampo ni Bedol dahil nalaman lamang niya ang intensiyon nito mula sa mga balita.
“Wala pa, wala pang nakakarating sa akin kung humihingi siya na maging state witness and protection. Although I can anticipate that he will definitely ask for protection under the WPP and why not?” ani de Lima.
Nakasaad sa Section 12 ng Witness Protection, Security and Benefit Act states na sinumang tatanggapin sa programa ay hindi maaring kasuhan sa korte.
Kamakailan ay sinabi ni de Lima na kailangan na maging maingat ang pamahalaan sa naging pagbubunyag ni Bedol at ng suspendidong governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na si Zaldy Ampatuan.
Una nang nagpahayag ng kanyang pagnanais si Ampatuan, sa pamamagitan ng mga feelers at ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, na handa siyang ibunyag ang lahat at totoo kung sino ang utak ng November 23, 2009 Maguindanao massacre kabilang na ang kanyang pamilya. Nagsalita din ito ng dayaan sa ARMM noong 2004 at 2007 elections.