^

Bansa

Plunder uli vs GMA sa PCSO scam

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng bagong graft at plunder sa tanggapan ng Ombudsman kahapon ng umaga si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo dahilan sa umano’y maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  noong pangulo pa ito ng bansa.

“This does not just involve stealing money. This involves stealing money from the poor,” ayon kina Bayan Muna party-list Reps. Teodoro Casiño at Neri Colmenares.

Ang pagsasampa ng kaso ng naturang mga mambabatas ay nag-ugat nang ibulgar ni dating PCSO general mana­ger Rosario Uriarte na may P325 milyong halaga na nakuha ang Arroyo administration sa pondo ng PCSO bilang intelligence funds  mula taong 2008 hanggang 2010.

Sinabi ni Uriarte na si Arroyo mismo ang nag-apruba sa pagpapalabas sa naturang pondo.

Personal namang ti­nanggap ni Acting Om­budsman Orlando Casimiro ang kasong na­isampa ng naturang mga kongresista.

ACTING OM

BAYAN MUNA

GLORIA ARROYO

NERI COLMENARES

ORLANDO CASIMIRO

PAMPANGA REP

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

ROSARIO URIARTE

TEODORO CASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with