^

Bansa

Probe ng CBCP vs 'SUV bishops' gumulong na

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang sarili nitong imbestigasyon kaugnay ng mga mamahaling sasakyan na tinanggap umano ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal ang aatasang manguna sa gagawing imbestigasyon.

Gayunman, tumanggi ng magbigay pa ng karagdagang detalye si Vidal hinggil sa itatakbo ng pagsisiyasat.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos na dadalo ito sa susunod na pagdinig ng Senado hinggil sa PCSO issue.

Tumanggi na rin si Pueblos na magbigay ng iba pang pahayag dahil baka mapre-empt nito anuman ang sasabihin niya sa Senado.

Noong Biyernes, una ng sinimulan ng CBCP ang plenary assembly nito kung saan kasama sa kanilang tinatalakay ay ang isyu ng pagtanggap ng mamahaling sasakyan ng ilang miyembro nila.

Suportado naman ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez ang gagawing imbestigasyon ng CBCP pero dismayado siya sa negatibong resulta na idinulot ng mga alegasyon laban sa ilang obispo. 

“Sa ngayon kasi, ang naisip ko lang ngayon, yung very negative impact sa mga tao which is the reflection na ganun ang pagtingin nila sa mga obispo, ganun ang pagtingin sa mga agencies ng gobyerno, na parang di nila mareconcile na magkaisa,” dagdag pa ni Iniguez.

Tumanggi naman itong magkomento kung may mga pagkakamali bang nagawa ang ilang obispo na tumanggap at nanghingi ng sasakyan.

Samantala, kumpiyansa naman si Novaliches Bishop Teodoro Bacani na malalagpasan ng simbahan ang PCSO issue.

vuukle comment

ARCHBISHOP EMERITUS RICARDO CARDINAL VIDAL

BISHOP DEOGRACIAS I

BISHOP JUAN

BISHOP TEODORO BACANI

CATHOLIC BISHOPS

DIOS PUEBLOS

NOONG BIYERNES

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with