^

Bansa

AFP handa sa face-off vs LFS

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na harapin sa alinmang korte ang League of Filipino Students (LFS) upang patunayan na nagsisilbing front ito ng recruitment ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ayon kay AFP-Civil Relations Service Chief Brig. Gen. Eduardo del Rosario, hindi nila aatrasan ang kasong isasampa ng LFS laban sa AFP.

Una rito, nagbanta ang LFS na magsasampa ng asunto laban sa AFP matapos namang ibuking ng huli na ginagamit ito ng NPA sa pangre-recruit ng mga estudyante na nila­lansi ng mga ito para sumapi at mamundok sa piling ng komunistang grupo.

“It’s about time to prove it in court, the AFP welcomes the LFS  plan to file a case in court,” ani del Rosario kontra sa nasabing militanteng orga­nisasyon ng mga estudyante.

Sinabi ng heneral na nadiskubre niya ang baho ng LFS noong Brigade Commander pa siya sa Visayas at Mindanao kung saan karamihan sa mga rebeldeng kanilang nasakote ay mga nahinto sa pag-aaral matapos ma-recruit ng NPA sa pamamagitan ng LFS na aktibo umano sa panghihikayat sa mga kolehiyo at unibersidad.

Inihayag ng opisyal, maraming testigo ang AFP na aabot sa halos 100 ang bilang na handang magpatunay na ang LFS ay nagsisilbing ‘recruitment arm’ ng NPA rebels.

“Yang mga lider ng LFS, nakikiusap tayo na huwag irecruit ang mga walang kamalay-malay na estudyante sa illegal na organisasyon, makonsensya naman sila, huwag nilang sirain ang buhay ng mga students,” ani del Rosario.

vuukle comment

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BRIGADE COMMANDER

CIVIL RELATIONS SERVICE CHIEF BRIG

EDUARDO

LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS

LFS

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with