^

Bansa

Desisyon ng Comelec pinababasura sa SC

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinababasura sa Korte Suprema ni dating Lucena City vice mayor Philip Castillo ang proklamasyon ng Commission on Elections kay Barbara Ruby Talaga bilang nanalong alkalde noong May 2010 election.

Sa ihihaing ‘extremely urgent petiotion for certiorari or prohibition’ ni Castillo sa SC, dapat rin umanong ideklara na stray votes ang mga boto na una nang nakuha ni dating Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr., na idineklara ng poll body na diskuwalipikado sa pagkandidato, sanhi upang gawin nitong substitute candidate ang asawang si Barbara.

Sa isang media forum, sinabi ni Castillo na hiniling nila sa Korte Suprema na tingnan at gawing gabay sa naging desisyon sa Cayat vs. Comelec case, kung saan una nang diniskuwalipika ng poll body si dating Buguias, Benguet Mayor Nardo Cayat, may 23 araw bago ang halalan noong May 2004 elections.

Aniya, nasasaad sa SC en banc decision no­­ong April 24, 2007 na da­hil ikinukonsiderang dis­qualified si Cayat sa halalan, ay walang duda na ang katunggali nitong si Thomas Palileng, Sr. ang dapat na umupong alkalde ng Buguias at hindi ang nanalong Vice Mayor na si Feliseo Bayacsan.

Ayon kay Castillo, mag­kapareho ang kaso ni Cayat at ni Ramon Talaga, na una nang di­­niskuwa­lipika ng Co­me­­­lec noong May 5, o limang araw bago ang halalan, dahil nakum­pleto na nito ang kaniyang tatlong termino bilang alkalde ng lungsod.

Sinabi naman ni Atty. Antonius Collado, abogado ni Castillo, mali ang desisyon ng Comelec na paupuin ang nanalong Vice Mayor na si Roderick A. Alcala bilang alkalde ng lungsod alinsunod sa nasasaad sa rule of succession.

Nanindigan din ang abogado na dahil sa disqualified si Ramon Talaga, ay dapat ding ideklarang stray votes ang lahat ng botong nakuha nito, noong May 2010 elections at hindi na dapat pang ibinilang sa boto ng asawa nitong si Barbara.

ANTONIUS COLLADO

BARBARA RUBY TALAGA

BENGUET MAYOR NARDO CAYAT

BUGUIAS

CAYAT

COMELEC

KORTE SUPREMA

RAMON TALAGA

SHY

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with