^

Bansa

Pinay teacher na hinatulan ng bitay sa China sasagipin

- Ni Malou Escudero -

Manila, Philippines - Tiniyak kahapon ng Malacañang na may ginaga­wang hakbang ang Department of Foreign Affairs upang tulungan ang hindi pinangalanang Pinay na guro sa China na nahatulan ng kamatayan dahil sa pagdadala umano ng nasa 2,000 gramo ng heroin.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, standard operating procedure (SOP) naman ang agad na pakikipag-ugnayan ng DFA sa sinumang nahaharap sa bitay sa ibang bansa.

Awtomatiko rin aniyang iaapela ang kaso na ire-review pa ng Guandong High People’s court.

Ang nasabing Filipina ay sinentensiyahan ng bitay noong nakaraang linggo matapos maaresto dahil sa drug-smuggling noong Oktubre 2010 sa international airport sa Guangzhou.

Matatandaan na noon lamang Marso 30 ay binitay sa China sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva, at Elizabeth Batain dahil din sa kasong drug trafficking.

Samantala, umaasa naman ang Palasyo na magkaroon ng magandang resulta ang gagawing pagbisita sa China sa darating na linggo ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario kung saan ang pangunahing agenda ay ang  tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Valte na inaasahan nila na makakatulong ang pagbisita ni del Rosario para magkaroon ng payapang resolusyon ang problema ng Spratlys.

Hindi naman binanggit kung kasama sa agenda ni del Rosario ang kaso ng Pinay na nahatulan ng bitay.

ABIGAIL VALTE

AWTOMATIKO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELIZABETH BATAIN

FOREIGN AFFAIRS SEC

GUANDONG HIGH PEOPLE

PINAY

RAMON CREDO

SALLY ORDINARIO-VILLANUEVA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with