ARMM Synchronization Law aprub sa Muslim communities

MANILA, Philippines - Sinang-ayunan ng Muslim Communities ang ginawang paglagda ni Pangulong Noynoy Aquino sa ARMM Synchronization Law na nagpapaliban sa August­ 8, 2011 ARMM polls.

Sa idinaos na prayer rally sa Mendiola ng may 1,000 Muslim, sinabi ni Doc Darwin Rasul, spokesperson ng All Moro Alliance for Reform (AMAR), malugod nilang tinatanggap ang bagong kaganapan bilang panimulang hakbang sa landas ng pagbabago at pagkamit ng makabuluhang reporma sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi naman ni Imam Basit Marangit, religious lea­der mula sa Quiapo Islamic Center, naniniwala sila na kailangang mailagay sa puwesto bilang officer-in-charge ang mga indibidwal na walang bahid ang integridad at may tunay na paninindigan para sa reporma.

Sa panig naman ni Jolly Lais, secretary general ng Bangsamoro Solidarity Movement (Bangsa), ang ginawa nilang prayer rally ay bilang pagsuporta kay PNoy sa kanyang sinserong pagtatangka na magsa­gawa ng reporma sa ARMM.? Ang susunod na pag­kilos ay gagawin sa harapan ng Supreme Court dahil inaasahan nila na may kukuwestiyon hinggil sa ARMM Sychronization Law.

Show comments