^

Bansa

Insurance para sa OFWs

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Makatitiyak na ang mga OFWs na may benepisyo silang matatanggap o ang kanilang pamilya kung may masamang mangyaring sa kanila matapos lumagda sa isang memorandum of agreement ang Fortune Life Insurance Company, Inc. (FLIC) at Passenger Accident Management and Insurance Agency, Inc. (PAMI), sa Makati City.

Sa kasunduan, magsisilbing provider ng natural death benefit ang Fortune Life habang ang PAMI ang bahala sa insurance management at administration. Magtutulungan ang mga ito sa pagtugon sa man­datory insurance coverage requirement sa mga agency-hired migrant worker.

Sa patakaran ng Insurance Commission, ang bawat migrant worker na ide-deploy ng recruitment/manning agency ay dapat mayroong compulsory insurance contract nang walang babayaran ang manggagawa.

Malinaw din sa regulasyon na ang mandatory insurance coverage ng mga OFW ay hindi katulad ng ordinary at usual insurance contracts na ibinibigay ng ilang insurance providers sa Pilipinas.

Ang MOA signing ay pinangunahan nina Melecio Malilin, pangulo ng Philippine Charter; Evelyn Carada, executive vice president at general manager ng Fortune Life; Arnold Cabangon, presidente ng Fortune Life; Eduardo Atayde, Chairman of the Board ng PAMI at Angelo Antonio Buendia, Operations Manager ng PAMI.

ANGELO ANTONIO BUENDIA

ARNOLD CABANGON

CHAIRMAN OF THE BOARD

EDUARDO ATAYDE

EVELYN CARADA

FORTUNE LIFE

FORTUNE LIFE INSURANCE COMPANY

INSURANCE

INSURANCE COMMISSION

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with